Mga Sanggunian sa Paglaban ng Diskriminasyon Laban sa Asya


|

Sa pagpasok natin sa 2021, lahat ay lubos na umaasa sa bagong taon at gustong makalimutan ang tungkol sa 2020. Siyempre, isa ako sa mga taong iyon. Pero, isa sa pinakamagandang bagay na nasaksihan ko noong 2020 ay ang pagsasama-sama nang tumaas ang tensyon laban sa lahi sa mundo. Partikular dito ang nakita nating kawalan ng hustisya sa mga komunidad ng Aprikano Amerikano at Asyano Amerikano.

Ngayon, habang nasaksihan natin ang mga Asyano Amerikano katulad ni Noel Quintana at iba pang biktima ng galit sa Asyano, gusto kong ipaalala sa lahat na ang paglaban para sa hustisya ay malayo pa sa katapusan. 

Kami sa Tamrah Lane ay kinokondena ang kamakailang pagtaas ng insidente dahil sa galit sa Asya. Sa iyo, aming mambabasa, aming mga kaibigan, aming pamilya, at aming komunidad, hinihiling namin na manawagan sa lahat ng tao sa inyong network na magkaisa at kondenahin hindi lamang ang kamakailan lamang na insidente dahil sa galit sa Asya, ngunit lahat ng karahasan dahil sa galit sa isang lahi.

Para malaman kung paano ka magiging bahagi ng kilusang ito, mangyaring tingnan ang listahan sa ibaba, na iu-update namin paminsan-minsan. Hinihimok namin kayo na i-bookmark ang pahinang ito at/o ibahagi ito sa inyong mga pamilya at kaibigan.

Mga Sanggunian sa Paglaban ng Diskriminasyon Laban sa Asya

Mga Ulat ng Insidente at Paghimok sa Iba na Gawin Ito

Isa sa pinakamalaking bagay na magagawa mo para makatulong ay maghikayat na iulat ang mga insidente. Maraming insidente ng galit at pagkiling ang hindi naiiulat sa mga tamang tao, tulad ng organisasyon ng komunidad at tagapagpatupad ng batas. Bilang resulta, naiiwan tayo ng malaking kakulangan ng bilang ng problema na sinusubukan nating pahintun. 

Pwede mong tulungan ang mga tao sa pag-ulat ng mga insidente sa:

Sumuporta, Magbigay ng Donasyon, at Magboluntaryo

Listahan ng mga organisasyon na aktibong nakikipaglaban sa racism laban sa komunidad ng AAPI.

Suportahan at magbigay ng donasyon sa mga indibiduwal na nangangalap ng pondo at mga petisyon.

Protektahan ang Sarili sa Harap ng Diskriminasyon at/o Ligtas na Manindigan Para sa Iba Bilang Tagamasid

Kumuha ng pagsasanay sa pangingialam ng tagamasid sa pagdalo sa mga webinar at sesyon ng pagsasanay.

Alamin ang Tungkol sa Kasaysayan ng Diskriminasyon sa AAPI at Mga Hamon sa loob ng Komunidad ng AAPI

Pakikibahagi

Kung sa tingin mo ay malaking tulong ang listahang ito, pakibahagi ito sa iba na magagamit ito ng mabuti. Hinihikayat ka din namin na mag-email sa amin kung gusto mong idagdag ito sa listahan sa tamrahlane@gmail.com.

Muli, iu-update namin ang listahang ito habang nagpapatuloy tayong lumaban sa karahasan dahil sa lahi. 

Ingat kayong lahat.

Ibang Sanggunian ng Allyship

Mga Sanggunian ng #BlackLivesMatter

Pagiging Mas Mabuting Kakampi

Leave a Reply

%d bloggers like this: